Martes, Hulyo 8, 2014
bakit mo ba sya mahal?
paano mo ba masasabi na mahal mo ang isang tao?
ewan ko...basta para sa akin wala ka dapat specific na dahilan kung bakit mo siya mahal, sa totoo lang mararamdaman mo yun eh yung tipong masasabi mo na "ah! mahal ko tong taong to" at maiisip mo, "bakit nga ba?"... sa pag-ibig kasi, mamahalin mo yung tao pero hindi mo alam yung tunay na dahilan, hindi mo maipaliwanag kung bakit mo siya mahal kasi ganun ang pag-ibig. mamahalin mo siya sa hindi mo malaman na dahilan.
parang ganito lang yan, pag sinabi mo na mahal mo ang isang tao kasi maganda siya, paano kung pumanget siya? eh di hindi mo na sya mahal?
kaya ako nung nakilala ko siya, kakaiba yung naramdaman ko, wala ako maisip na magandang dahilan kung bakit ko siya minahal, basta ang alam ko yun yung nararamdaman ko at yun ang nakikita ko sa sarili ko...
ikaw? paano mo masasabi na mahal mo ang isang tao?
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Tinanong ko kung bakit nya ko Mahal at eto Ang sagot nya, "Masaya ako pag kausap kita mabait tsaka nasanay nako na andito ka palagi !"
TumugonBurahinSa tingin nyo po? Mahal nya ba ko talaga? Maniniwala ba ko na mahal nya ko talaga?
HAHAHAHAHAHA sanaol
BurahinWTF?? NOW KO NAISIP KO NG MAHAL YUNG LALAKING YUN AY WALA NAMANG MAGANDANG GINAWA SAKIN YUN??? BAKIT KO NG BA MAHAL YUN . OMYG
TumugonBurahinMahal ko siya dahil sa kakaibang pakiramdam na naramdaman ko simula noong nakilala ko siya . Hindi ko din maipaliwanag ang dahilan. Sa dami ng taong nakilala ko iba siya sa lahat , kahit na hindi niya ako mahal umaasa pa din ako na balang araw makikita din niya at mararamdaman yung pagmamahal ko sa kanya. Pilit ko na siyang kinakalimutan pero wala talaga. Yung utak ko bumibitaw na pero yung puso ko pilit parin lumalaban kahit durog na durog na. Pinipilit kong ibaling sa iba yung pagmamahal ko pero hindi ko magawa kasi siya talaga yung hinahanap ng puso ko. Nahihirapan na din ako . Hindi magkasundo ang utak at puso ko
TumugonBurahinTotoo yan, ganun din sabi ko sa mahal ko na wala naman talaga akong specific na rason kung bakit ko siya mahal.
TumugonBurahin