isang araw naglalakad ako sa eskwelahan, may nakasalubong akong isang kaibigan, nagkamustahan kami at dumaan kme sa usapan na "move-on" nagtanong siya sa akin "paano ko ba sya makakalimutan?" pumasok sa isipan ko ang mga nanyare sa nakaraan, mga araw kung saan nabigo ako sa pag-ibig...
unang una pilitin mong huwag mo siyang isipin, maglibang ka, manuod ka ng mga movie, maglibang kasama ang kaibigan, makinig ka sa mga masasayang musika, sa una mahirap yan kasi fresh pa sa puso at isipan mo ang mga nanyare, pero lilipas din ang panahon at matatanggap mo rin yan... matatanggap mo na hindi siya yung para sayo, hindi siya yung nakatadhana para sayo...magpakasaya ka lang, subukan mo din iwasan yung mga bagay na magpapaalala sa kanya lalo na at nagsisimula ka pa lang mag move-on, sabihin na natin na may mga oras na bigla na lng sya papasok sa isipan mo at makakaramdam ka ng kalungkutan pero ganyan talaga eh, hindi natin maiiwasan sa buhay na masasaktan ka, malulungkot ka, may tao talaga sa buhay natin na mawawala...subukan mo lang maglibang, magpakasaya ka, kailangan mo kasi maging masaya... wag ka na malungkot pa, kasi mayroong isang tao sa tabi na nalulungkot dahil nalulungkot ka, dala-dala nya ang panyong magpupunas ng mga luha mo, hintayin mo lang siya, handa siyang alisin ang mga luha sa mata mo at handa siya magbigay ng ligaya sa mga ngiti mo, minsan kasi hindi natin namamalayan etong mga tao na to lalo na at masyado kang focused sa pag move-on...kakayanin mo rin makamove-on nasa sarili mo din kasi yan, kagustuhan mo rin kung gusto mo siya makalimutan...dadating din ang araw kung saan kapag nakikita mo siya, wala ka ng mararamdaman na sakit, normal n ulet ang lahat...
ang masasabi ko lang ay oo mahirap mag move-on mahirap kalimutan yung taong nagbigay saya sa buhay mo pero kailangan mo tanggapin yung mga pangyayari, kailangan mo tanggapin yung katotohanan...panahon lang ang kailangan mo at isang tao na dadating, isang taong handa kang pasayahin, handang pasiglahin ulit ang buhay mo at dadating din ang araw naka move-on ka na...
salamat nga pala sa kaibigan ko dahil pinayagan mo ako isulat tong blog na to, sana nakatulong ako sa iyo sa pamamagitan ng pag-uusap natin at nitong blog na to...tandaan mo lang lahat ng sinabi ko sayo, makakalimutan mo din siya :)