Biyernes, Abril 25, 2014

Time Machine


Siguro naranasan mo na yung feeling na gusto mo ibalik ang oras, bumalik sa nakaraan at itama ang mali na nagawa mo. Kung pwede lang sana bumalik tayo sa nakaraan, pigilan natin ang sarili natin na gawin ang pagkakamali natin, kausapin ang sarili natin sa mga bagay na wag gawin, pigilan ang isang bagay na ayaw natin manyare. Kung pwede lang sana, gagamit tayo ng time machine at magiging masaya tayo sa buhay natin pero hindi eh, bawal na tayo bumalik sa nakaraan, bawal natin ayusin ang nanyare na, past is past nga daw di ba. nanyare na ang mga dapat manyare, para sa akin kung magkakaroon ng time machine, hindi na ako babalik sa nakaraan para pigilan ang sarili ko sa mga pagkakamali ko, ang gagawin ko papanuorin ko na lang ang sarili ko at aalalahanin ang mga pagkakamali na nagawa ko, bakit? kasi may mga natutunan ako sa mga pagkakamali ko. may mga bagay talaga na mahirap na ibalik at tangapin na lang natin ang mga pagkakamali na nagawa natin part kasi yan ng buhay, dadating at dadating ang oras kung saan malulungkot tayo sa buhay at dadating din ang oras kung saan iiyak tayo pero sa huli tangapin na lang natin ang katotohanan.

pagbabago


nasubukan mo na ba magbago dahil sa isang tao? ako, oo nasubukan ko na, ako kasi yung tipo ng lalaki na hindi nag-iisip sa mga ginagawa niya, oo aaminin ko na madali ako mahulog sa isang babae at alam kong mali yun pero dahil sa isang tao nagawa kong baguhin ito. Naging inspirasyon ko ang taong to, dahil sa kanya maraming nagbago sa buhay ko mga gawain na hindi ko ginagawa dati pero ngayon ginagawa ko na, mga bagay na inayos sa sarili. nakakalungkot din isipin kasi may limitasyon ang lahat ng bagay sa mundo, may mga bagay na hindi pwede mapunta sa ibang level. sana nga makita niya to kasi dahil sa kanya madaming nagbago sa akin at sana matuwa siya dito. 

tadhana


tadhana? totoo nga ba ang tadhana? para sa akin naniniwala ako sa tadhana, madalas tinatanong ko "bakit ko siya nakilala?", "bakit siya dumating sa buhay ko?", "ano ang dahilan at nakilala ko siya?", "bakit kailangan mawala pa siya sa buhay ko?" at marami pang tanong na minsan naiinis na ako bakit hindi nasasagot ang mga tanong ko. May mga tao na dadating sa buhay mo at papasayahin ka, yung iba magtuturo sayo ng mga aral, mga bagay na magbabago ng buhay mo, minsan maiinis ka sa mga nanyayare sa buhay mo minsan matutuwa ka. Ang gulo lang di ba? May mga oras na iiyak ka, malulungkot kasi yung taong gusto mong manatili sa buhay mo, umalis na, lumayo na siya sayo. Oo mahirap tangapin ang lahat lalo na at nawala siya sa buhay mo pero kailangan mo ito tiisin, kailangan mo tangapin ang lahat may mga bagay talaga na hindi pwede mapunta sa iyo habang buhay, mga bagay na hindi permanente sa buhay natin.

Makisakay na lang sa tadhana, pero maiinis ka din kasi yung mga bagay na gusto mo manyare hindi pwedeng manyare mga bagay na hinihiling mo na sana mapunta sayo pero masasaktan ka lang pala sa huli. Minsan dinadasal mo sana bumalik siya sa buhay mo, sana makita mo ulit siya, sana matupad ang mga pangarap mo.

Pagtrato sa babae


Paano ba ang pagtrato sa babae?

ang babae, nirerespeto, inaalagaan at minamahal. hindi sila nabuhay para bastusin, saktan at paiyakin.

paano ba ang pagtrato sa babae lalo na kung mahal mo? kung nalulungkot sya, kausapin mo siya, aliwin, pasayahin, gawin mo ang lahat makita mo lang ang matamis niyang ngiti. kung kailangan niya ng makakausap siguraduhin mo na handa ka makinig sa problema niya, handa ka na kausapin siya para gumaan ang nararamdaman niya.

dota? lol? o kahit anong laro man yan. siguraduhin mo na hindi niya ikaseselos ang laro, kung maglalaro ka dapat handa kang magreply agad sa kanya, wag ka mag-focus sa laro dahil paniguradong magagalit siya dahil ang mararamdaman niya ay mas importante ang laro kesa sa kanya.

ang lalake handang magbago sa taong mahal nila. ang lalake gago pero sa oras na makita nila yung taong mahal nila maghanda ka sa isang malupit na pagbabago. sabi nga sa kanta ng parokya "pero para sayo handa akong magpakatino kahit mahirap kakayanin ko". kasi kung mahal mo ang isang tao handa kang gawin ang lahat para sa kanya.

para sa akin ang pagtrato ko sa babaeng mahal ko, kung gusto niya ng makakausap nandito lang ako para sa kanya, kahit mga simpleng effort lang ibibigay ko sa kanya yung tipong mahulog lang panyo niya pupulutin ko agad para sa kanya. pag may dala siyang mabigat na bagay bubuhatin ko agad para sa kanya, yung tipong magiging gentleman ka para sa kanya pero para sa akin hindi ka lang dapat maging gentleman sa taong mahal mo, kailangan maging gentleman ka sa lahat ng babae, ipakita mo sa taong mahal mo na magiging proud siya sa ginagawa mo. handa akong iparamdam sa taong mahal ko na isa siyang prinsesa ng buhay ko, handa ako iparamdam sa kanya na special sa akin. mga simpleng effort lang pero alam ko na kahit gaano ka-simple man yan, alam ko na magugustuhan niya ang bawat effort na ipapakita ko sa kanya.

ayoko din mag promise, lalo na kung sobrang imposible ng promise ko sa ngayon ayokong umasa siya sa mga bagay na hindi ko kayang ibigay. kung magbibigay ako ng promise sa kanya sisiguraduhin ko na kayang kaya ko ibigay sa kanya yun.

gusto ko na tuwing masaya siya, nalulungkot, nahihirapan o kahit anong pangyayari sa buhay niya, gusto ko na nasa tabi niya ako gusto ko na nandoon ako, handang umalalay, handang makiramay at handang makisama sa bawat trip niya. mahal ko kasi siya at handa akong gawin ang lahat para sa kanya.

Pag-ibig


Ang hirap mag-mahal, hindi mo kasi alam kung sino yung taong nakatadhana para sa iyo. Yung feeling na may mahal kang tao pero hindi mo masabi sa kanya. Yung feeling na mahal mo pa din ang isang tao kahit anong gawin mo, yung tipong kahit alam mo na wala kang pag-asa sa kanya pilit mo pa din siya minamahal mapatunayan lng sa kanya na mahal mo siya. Yung feeling na nagmumukha ka ng tanga sa mga ginagawa mo para lang mapansin ka niya. Yung feeling na lagi mong iniisip kung kamusta na siya, anong ginagawa niya, sino kasama niya, masaya ba siya, kumain na ba at kung ano ano pa tapos maitatanong mo sa sarili mo "naiisip niya din kaya ako?". Yung feeling na gustong gusto mo siya kausap, kahit anong topic yan basta kausap mo siya masaya ka na. Yung feeling na magkaibigan lang kayo at alam mo na hangang doon lang ang lahat. pero alam mo ba na ang isang tao kahit nasasaktan na at nahihirapan na hindi siya sumusuko kasi mahal niya ang isang tao, gustong gusto niya patunayan sa taong mahal niya na kahit anong manyare nandito lang siya sa tabi niya handang umalalay, handang pasayahin siya at gagawin ang lahat para sa kanya kahit na magkaibigan lamang kayo o kahit may mahal na siyang iba kaya niya i-pangako na nandito lang siya sa tabi mo kasi mahal ka niya.

Nakakalungkot lang kasi may mga tao na kahit alam nilang wala silang pag-asa sa isang tao pinapakita nila sa taong mahal nila ang tunay nilang nararamdaman. May mga tao na okay lang masaktan basta makita ko yung taong mahal kong nakangiti, tumatawa at higit sa lahat masaya sa buhay nila.