Huwebes, Disyembre 11, 2014

tadhana (isang tula)



Ang iyong ngiti, ang iyong mata
simula nang ikaw ay makita
ako ay nabighani sa iyong ganda
hindi makapaniwala na ikaw ay makikilala
tayo ay naging magkaibigan
buhay ay napuno ng kasiyahan
mga kalokohang ating ginagawa
hinding-hindi magsasawa

tadhana, tadhana at ikaw ay nakilala
tadhana na nagbigay ng matamis na ala-ala
buhay ko ay nagbago dahil sayo
lahat ng mali ay aking binabago
hinihiling na sana lagi kang makita
sana ay masabi na mahal kita

distansya man ay malayo
ikaw lamang ang nasa isip ko
mula pag-gising hanggang pag-tulog
sayo ay lalong nahuhulog
pangarap ko ay ikaw
sa tingin mo ay natutunaw

isang babaeng walang katulad
pangarap kaya ay matutupad?
sa diyos pinaparating
isang munting hiling
ikaw ay laging ingatan
wag kang pababayaan

isang babae ang nakilala
ano kaya ang naka-tadhana?
hindi natin alam ang kinabukasan
tadhana ay hindi matatakasan
nakikisabay na lamang sa daloy ng hangin
saan ako makakarating?

isang munting tula
sana'y iyong mabasa
isang binibining mahinhin
ako sana'y pansinin

Linggo, Setyembre 14, 2014

usap



alam mo yung feeling na gustong gusto mo siya kausapin, yung tipong gusto mo mag-hi sa kanya. kakausapin mo siya magdamag, mula umaga hangang gabi siya lang kausap mo, ang sarap ng feeling, ang saya kahit wala kayo pinag uusapan, kahit napakalabo ng usapan niyo okay lang, masaya ka...masaya kasi kausap mo yung taong mahal mo. ang hirap lang kasi minsan hindi mo siya makausap, may mga oras na gustong gusto mo siya kausapin kaso natatakot ka na baka makulitan siya sayo o kaya ayaw ka niya kausap o kaya ma-seen ka lang o kaya mareplayan ka ng "ah. ok. haha"

sa panahon ngayon, mahirap na ang mag-hi, simpleng bagay lang pero napakahirap gawin, kasi nandyan yung takot, takot na baka hindi ka niya pansinin, takot na baka hindi siya interesado sayo.
kung may tao kang minamahal, mararamdaman mo yung takot kapag gusto mo siya kausapin, minsan tutuklawin ka na ng chance para makausap siya pero hindi mo magawa, kasi natatakot ka. takot na baka hindi ka pansinin.

kapag kausap mo yung taong mahal mo, hindi mo maiiwasang mapangiti, kasi masaya ka, kakaibang saya yung nararamdaman mo kapag ksama mo siya, kapag kausap siya sa personal o sa text matutuwa ka talaga. basta kapag ksama mo yung taong mahal mo, kahit walang kwentang usapan yan, ang importante para sayo ay yung makita mo ang ngiti niya, marinig mo yung tawa niya, yung mata niya at ang boses niya. basta kapag nandyan siya, masaya ka...masaya ka kse mahal mo siya.

ang saya ng feeling, yung feeling na kapag nandiyan siya kausap mo, kapag nandiyan siya kasama mo, nakakalimutan mo yung mga problema mo, nagagawa mong ngumiti, nagbabago ka, kasi siya yung kasiyahan mo, siya yung nagbibigay kulay sa buhay mo, napakasaya lang, sobrang saya kapag nandiyan yung taong mahal mo, kapag nasasabi mo yung mga problema mo sa kanya, kapag sinasabihan ka niya kung ano gagawin mo, ramdam na ramdam mo yung saya... minsan hinihiling mo sana hindi na mawala tong sayang nadarama ko, sana malaman niya na sobrang saya ko tuwing nandiyan siya, sobrang sarap sa pakiramdam ng mga oras na kausap kita, kasi ikaw, ikaw yung nagbago ng buhay ko, ikaw yung nagbigay saya sa buhay ko, dahil sayo hindi na naging boring ang bawat araw ko, dahil sayo nagkaroon ng meaning ang bawat oras na dumadaan sa akin, sana wag ka mawala, sana nandiyan ka lang sa tabi ko, handa akong ingatan ka, handa akong pahalagahan ka, handa akong protektahan ka, kasi ikaw ang nagbibigay saya sa akin kaya nagpapasalamat ako sayo dahil pinapasaya mo ang bawat araw ko....

Biyernes, Setyembre 12, 2014

Minsan nasabi mo na bang "parang may kulang?"





minsan natanong mo na ba sa sarili mo na parang may kulang? makakaramdam ka bigla ng pagkalumbay, makakaramdam ka ng kalungkutan sa sarili mo, tapos maya maya marealize mo na parang may kulang na, ano ba ang kulang? ano pa ang kailangan mo.

ako madalas ko maramdaman, bakit parang may kulang sa akin, bakit parang may kailangan pa ako, pero alam niyo ba, kahit ganito ang nararamdaman ko, may nakilala akong isang taong kayang kumpletuhin ang araw ko, isang taong nagpapagaan ng loob ko, isang taong kaya akong pasayhin, isang taong makita ko lang ang ngiti niya magiging okay na ako, ang saya sa pakiramdam na nakilala mo ang isang taong magkukumpleto ng araw mo.

ang masasabi ko lang ay nung nakilala ko siya, maraming nagbago sa buhay ko, marami akong narealize, mga bagay na sana hindi ko ginawa dati, mga bagay na gusto kong gawin, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigay niya yung taong nagpapasaya sa akin at nakukumpleto ang araw ko.

ikaw naranasan mo na bang maramdaman na may kulang sa sarili mo? may nagkumpleto na ba ng bawat araw mo?

Sabado, Setyembre 6, 2014

tunay na lalaki



pasintabi sa mga kapwa kong lalaki, eto ay pananaw ko lamang kung ano nga ba ang isang tunay na lalaki pagdating sa pagmahal ng isang babae

para sa akin ang isang tunay na lalaki, ay yung laging nandyan para sayo, rerespetuhin ka niya dahil isa kang babae, ginagalang ka, ipapakita sayo kung ano ka sa kanya, kung mahal ka niya papakita niya na mahal ka niya, hindi mawawala ang pag pick-up line niya sayo dahil yung ang gusto niya. handa rin siya ipakilala ka sa magulang niya pag dumating na yung tamang panahon, nagtetext ng "Good morning" pagkagising niya dahil ikaw ang unang pumapasok sa isipan niya araw-araw at magtetext ng "Good night" dahil ikaw ang iniisip niya bago matulog. kapag nagtatampo ka, nagagalit, nagseselos o kung ano man, handa siyang pangitiin ka at hihingi agad siya ng tawad. Handa siyang babaan ang pride niya dahil yun ang tama. hindi rin siya maghahanap ng ibang babae kasi ikaw lang ang mahal niya, wala na siyang ibang dahilan para maghanap ng iba at ipagmamayabang niya sa ibang babae na "etong babaeng to, ay ang babaeng mahal na mahal ko" handa siyang paingitin ang ibang babae dahil maswerte ka at siya ang kasama mo. kapag may gusto ka handa siyang gawin ang lahat para ibigay yun sa iyo. iintindihin niya rin ang pagiging moody mo dahil alam niyang ganun ka, wallpaper ng cellphone or kung saan niya pwede ilagay ang picture mo, ilalagay niya dahil gusto ka niya makita kahit sa larawan lang. kapag kailangan mo ng balikat na masasandalan, tenga na handang makinig at bibig na handang kumausap sayo, nandiyan sya palagi para sa iyo. susundin niya ang kagustuhan mo, ituturing ka niya na isang prinsesa. kapag naglalaro siya ng dota, league of legends o kung ano man yan, magkakaroon pa din siya ng time para magreply sayo dahil espesyal ka sa kanya, hindi niya uunahin ang kahit anong computer games dahil alam niya na mas importante ka sa kanya. handang handa siyang ituring na isa kang prinsesa at balang araw magiging reyna ka ng buhay niya. may mga lalaki din na nagbabakla baklaan sa harap ng mahal niya dahil gusto niya ito mapatawa.  may mga lalaki din na nag-aaral magluto, dahil gusto niyang paglutuan yung taong mahal niya. handa rin siya maging baduy dahil sa pag-ibig walang baduy baduy kung mahal mo ang isang tao. at higit sa lahat ang isang lalake, handang maghintay, handa siyang ipangako at ipakita sa taong mahal niya na "nandito ako, maghihintay sa araw na nasa harap ako ng simbahan kasama si father, naglalakad ka, nakasuot ng puti at kasama natin ang mga pamilya natin, kaibigan, at sasabihin sa isa't isa ang salitang I DO"

Martes, Agosto 12, 2014

paano mag move-on?


isang araw naglalakad ako sa eskwelahan, may nakasalubong akong isang kaibigan, nagkamustahan kami at dumaan kme sa usapan na "move-on" nagtanong siya sa akin "paano ko ba sya makakalimutan?" pumasok sa isipan ko ang mga nanyare sa nakaraan, mga araw kung saan nabigo ako sa pag-ibig...

unang una pilitin mong huwag mo siyang isipin, maglibang ka, manuod ka ng mga movie, maglibang kasama ang kaibigan, makinig ka sa mga masasayang musika, sa una mahirap yan kasi fresh pa sa puso at isipan mo ang mga nanyare, pero lilipas din ang panahon at matatanggap mo rin yan... matatanggap mo na hindi siya yung para sayo, hindi siya yung nakatadhana para sayo...magpakasaya ka lang, subukan mo din iwasan yung mga bagay na magpapaalala sa kanya lalo na at nagsisimula ka pa lang mag move-on, sabihin na natin na may mga oras na bigla na lng sya papasok sa isipan mo at makakaramdam ka ng kalungkutan pero ganyan talaga eh, hindi natin maiiwasan sa buhay na masasaktan ka, malulungkot ka, may tao talaga sa buhay natin na mawawala...subukan mo lang maglibang, magpakasaya ka, kailangan mo kasi maging masaya... wag ka na malungkot pa, kasi mayroong isang tao sa tabi na nalulungkot dahil nalulungkot ka, dala-dala nya ang panyong magpupunas ng mga luha mo, hintayin mo lang siya, handa siyang alisin ang mga luha sa mata mo at handa siya magbigay ng ligaya sa mga ngiti mo, minsan kasi hindi natin namamalayan etong mga tao na to lalo na at masyado kang focused sa pag move-on...kakayanin mo rin makamove-on nasa sarili mo din kasi yan, kagustuhan mo rin kung gusto mo siya makalimutan...dadating din ang araw kung saan kapag nakikita mo siya, wala ka ng mararamdaman na sakit, normal n ulet ang lahat...

ang masasabi ko lang ay oo mahirap mag move-on mahirap kalimutan yung taong nagbigay saya sa buhay mo pero kailangan mo tanggapin yung mga pangyayari, kailangan mo tanggapin yung katotohanan...panahon lang ang kailangan mo at isang tao na dadating, isang taong handa kang pasayahin, handang pasiglahin ulit ang buhay mo at dadating din ang araw naka move-on ka na...

salamat nga pala sa kaibigan ko dahil pinayagan mo ako isulat tong blog na to, sana nakatulong ako sa iyo sa pamamagitan ng pag-uusap natin at nitong blog na to...tandaan mo lang lahat ng sinabi ko sayo, makakalimutan mo din siya :)

Huwebes, Agosto 7, 2014

Binibini (isang ambahan)

 
Binibining mahinhin
Sayo'y may aaminin
Baka tayo'y langgamin
Sa aking sasabihin
Handang kunin bituin
Iyo sanang tanggapin
Ika'y gustong yakapin
Ika'y handang mahalin
Ako sana'y pansinin
Ako sana'y sagutin
Ako'y iyong mahalin
Ako ay kikiligin

Martes, Hulyo 8, 2014

bakit mo ba sya mahal?



paano mo ba masasabi na mahal mo ang isang tao?

ewan ko...basta para sa akin wala ka dapat specific na dahilan kung bakit mo siya mahal, sa totoo lang mararamdaman mo yun eh yung tipong masasabi mo na "ah! mahal ko tong taong to" at maiisip mo, "bakit nga ba?"... sa pag-ibig kasi, mamahalin mo yung tao pero hindi mo alam yung tunay na dahilan, hindi mo maipaliwanag kung bakit mo siya mahal kasi ganun ang pag-ibig. mamahalin mo siya sa hindi mo malaman na dahilan.

parang ganito lang yan, pag sinabi mo na mahal mo ang isang tao kasi maganda siya, paano kung pumanget siya? eh di hindi mo na sya mahal?

kaya ako nung nakilala ko siya, kakaiba yung naramdaman ko, wala ako maisip na magandang dahilan kung bakit ko siya minahal, basta ang alam ko yun yung nararamdaman ko at yun ang nakikita ko sa sarili ko...

ikaw? paano mo masasabi na mahal mo ang isang tao?